So This is actually one of the things my groupmates and I made for our project in Filipino I hope you guys will like it! :) ...
Niko: Hindi totoo
ang Diyos! Ba't ba ayaw niyang maniwala sa akin?! At bakit sa lahat ng tao,
siya pa ang minahal ko?
Anna: Huwag kang mawalan ng pag-asa, dahil ang diyos ang
solusyon. Dapat maniwala ka, ipagdadasal kita. Xander: Mabuti pa ang Diyos may
pag-asa. Ako? Ayoko nangumasa pa sa kanya.
Julie: *gasps*........
*Ensayo sa football*
Niko: Hayaaa!
Anna: Ahh aray ko po!
Xander: Uy pare,
na tama'an mo yung babae ohh!
Julie: Like yah!
Si Anna ata yun!
Niko: Psssh!
Haya'an mo na siya, walang kuwenta, kagaya ng Diyos niya.
Xander: Ah eh,
Pasensiya kna sa kaibigan ko, Anna.
Anna: Noong
Elementaria, inaapi na niya ako hanggang ngayon. Ano bang ginawa ko sa kanya,
Xander?!
Julie: Ano,
sasabihin nlang nati-
Xander: shhhhhh! Huwag mong sabihin, Julie.
Julie: ah ehh
hahaha
Anna: Sasabihin
ang ano?
Xander: ahh wala yu-
Julie: Na hindi
siya na niniwala sa diyos
Xander: sinabi
nang-
Anna: Hah?
Sabihin mo na, Xander. Maawa ka na man ohh.
Xander: Shhhh!
Hindi siya naniniwala sa diyos.
Julie: Eh sabi mo
huwag sabihin!
*Xander ignores Julie*
Anna: Bakit
naman? Ang Panginoon ang ating ama at tagapaglikha, Naniniwala ako na lahat
tayo ay dapat magkaisa.
Julie: Ay diyos
ko miyo. Maka'Diyos talaga ang babaeng ito.
Xander: Eto kasi yun, nawalan kasi siya ng ina noong
labing isang taon palang siya, at mula noon, iniisip niya na walang kuwenta ang
Diyos.
Anna: Ah ganun ba,
hindi ko na man alam. Salamat Xander, salamat Julie.
Sa eskwelahan:
Niko: Ayy! Sor- ugh! Ikaw pala! Hindi ka ba tumitingin
sa dinadaanan mo?!
Anna: Sorry, ang
bilis mo kasing mag'lakad atsaka-
Niko: Ano?! Sumasagot ka pa!
Anna: Pero sabi ng Diyos
na-
Niko: Oh ano?! Diyos na naman?! Hindi totoo ang Diyos!
Anna: Hindi dahil
namatay ang ina mo, mawawalan ka na nang tiwala sa Diyos.
Niko: Anong
sinabi mo?! Paano mo nalaman ang tungkol diyan?! *Dali daling umalis si Anna*
Niko: UGH! XANDER! JULIE!
*Game*
Niko: Sabi ni Coach dapat manalo tayo. Warm up lang to
bago ang Olympics!
Team: One, Two,
Three, ORAYT!
Xander: Uyy Niko
dito! Open ako!
Julie: Niko here! I'm open!
Xander: Uyy Niko
ano ba?! *pito*
Julie: Oh yan!
Natalo tayo! Nakakasad na man
. Xander: Oo nga! Ano ba ang problema mo Nikolai?!
Niko: Tigilan mo ako, Alexander!
Julie: Halaaa!
Nagtatawagan na sila ng toto nilang pangalan!
Niko and Xander:
Manahimik ka, Julie Anne
Niko: Huwag niyo
kong gawing tanga!
Julie: Huh? Ang ano?
Niko: Sinabi niyo kay Anna ang nangyari sa aking ina!
Wala kayong karapatan!
Xander: Anong gusto mong mangyari?! Inaapi mo siya kahit
wala naman siyang ginawa sa iyo! Hindi nga niya alam kung bakit mo siya
ginaganyan.
Niko: Kahit na! Wala kayong karapatan! Buhay ko to!
Huwag niyo akong pakealaman! *Walk out Niko*
Julie: Ano ang gagawin natin?
Xander: Hayaan na
natin siya, huwag na natin siya munang kausapin. *Swing*
Anna: Niko? Ayus ka lang ba?
Niko: Ano ang ginagawa mo dito?!
Anna: Bakit ka ba
ganyan?!
Niko: Dahil sa Diyos mo! Nakikita mo ba siya?!
Naririnig?! Buong buhay mo, nakausap mo na ba siya?
Anna: Wala, pero nararamdaman ko siya. Dahil hindi mo
nakikita ang isang bagay, hindi na man ibig sabihin niyan ay wala siya.
Niko: *breaks
down* Pero bakit ang ina ko pa?!
Anna: Lahat ng nangyayari ay may dahilan. Ang Diyos na
ang bahala sa ating lahat. Nandyan na man ang iyong ama, kapatid, mga kaibigan
at.......ako
Niko: Pero inaapi kita? Ba't mo nman ako tutulungan?
Anna: Alam ko na man na may mabuti kang puso, at lahat
tayo ay may pinagdadaanan.
Niko: Pasensiya
na kung inapi kita noon. Napagtanto ko na kahit pumanaw na si Mama, alam ko na
binabantayan niya ako kasama ng ating Panginoon. *natawa*
Anna: Oh bakit ka
tumatawa?
Niko: Naalala ko lang kasi noong nabubuhay pa si Mama,
siya ang nagturo sa akin na manalangin at maniwala sa Diyos. Pero, salamat
talaga Anna.
Anna: Walang
anuman, Niko.
*Sa eskwelahan*
Xander: Oh Julie,
nagawa mo na ba ang assignment mo?
Julie: May
assignment tayo?!
Xander: Haaay nako. Ewan ko sa iyo. Ikaw Niko, nagaw-
ayy...
Julie: Awww Xander. Namimiss mo na si Niko.
Xander: Hindi
kaya, ba't ko na ma-
Niko: Ano? Si Alexander James, namimiss ako?!
Julie: NIKO!
Xander: Uyy!
Huwag kang feeler! Ohh, anong nakain mo at napagdesisyunan mong kausapin kami?
Niko: Ako naman yung may kasalanan ehh. Pasensiya na
kayo ha. Nadamay pa kayo. Julie: Hay na ko, Niko. Magbarkada tayo!
Naiintindihan ka na man namin ehh.
Xander: Pare,
kahit ang tigas pa ng ulo mo, nandito pa rin ako. Parang kapatid na ata kita.
Pero dahil may problema ka, hindi naman tama na aapihin mo ang ibang tao.
Julie: Pwede mo
namang kausapin ang mga kaibigan mo.
Niko: Salamat
Xander at Julie. Nagkausap pala kami ni Anna
Julie: Ohh talaga? Anyare?
Niko: Wala lang.
Ang bait pala talaga niya, kapag nguminigti siya parang ngumingiti din ang
mundo kasama niya, at kapag siya'y tumatawa par-
Xander at Julie:
OHHHHHHHHHH!
Xander: Bro,
huwag mong sabihing-
Julie: Inlab ka sa kanya!
Niko: Hah? Ahhh!
Ba't sinabi ko yun?!
Xander: Parang
ganun na nga! Hay. Tingnan mo ang ginagawa ng love sa mga tao. Parang kanina
lang, gustong sakalin ni Niko si Anna, at limang segundo lang ang nakalipas,
ngumingiti na siya dahil nagka-heart to heart talk sila
Julie: Ay akalian mo yun?! (Xander at Julie tumatawa)
Julie: Ay akalian mo yun?! (Xander at Julie tumatawa)
Niko: Tigilan
niyo na nga ako at magensayo na tayo para sa laro mamaya!
Xander and Julie:
Opo Captain! *Tumunog ang cellphone ni Niko*
Xander: Ohh sino na naman yan?
Niko: Si Anna.
Manonood daw siya ng laro mamaya.
THE
END
Alexandra Villareal, Sara Abuelhawa, Jasmin Palmares, Nikaia Mendoza of Grade 10 MMA
Alexandra Villareal, Sara Abuelhawa, Jasmin Palmares, Nikaia Mendoza of Grade 10 MMA
No comments:
Post a Comment